Sunday, March 19, 2006

Skit ng Ulo ko

Kakakuha p lng ng ate #1 ko ng bagong edition ng Dapitan ng UST.

At dhil kmi ni Ate #2 ay basta n lng namumulot ng khit anong nababasa, pinulot nia un. Nag comment sya s isang author, ang yabang daw kc pinagmamalaki n 2 palanca n ang nakuha nia, eh hindi nmn daw ibig sbihin n pag may palanca k ibig sabihin magaling k n, ibig sbihin lng nun nagandahan ung judges s gawa mo. Hindi fact ang palanca, opinyon un. Ang galing, nagsalita ang nanalo ng 5 awards sa isang poetry fest s up baguio.

Napaisip tuloy ako.

...

(w8, mejo feel ko mag sound like a smarty smarty, so i will speak in english so i will sound... intelligenter)

In a world were opinion dominates among the people, it's hard to tell the facts from opinion.

(ok, yoko n. back to my national beloved language)

Paano nga ba nasasabi kung ang isang bagay ay katotohanan o opinyon? Hindi ba lhat ng sinasabi nating katotohanan sa mundo ay galing din sa isip ng tao? Kaya kung tutuusin... opinyon yun. Pinaniwala lang tayo na katotohanan iyon, na ang may isang force na kung tawagin ay gravity, na ang katawan ay gawa sa cells, at ang araw ay isang bituin. Kya kung tutuusin, opinyon lng to ng mga taong nag-interpret ng mga obserbasyon nila, at sinabi nila n katotohanan iyon.

Ngayon naisip ko, hindi ba kung ano ang paniniwala ng isang tao iyon n rin katotohanan para sa kanya? Naniniwala tayo sa mga pinag sasabi ng mga taong hindi nmn natin kilala, kya pra sa atin ito ang katotohanan, pero opinyon natin yun. Masasabi mo b yan s mga katutubong hindi pa rin pinapakawalan ang kanilang paniniwala at tradisyon? Pag sinabi mo n ang lahat ng bagay ay nag-e-exert ng force of attraction sa isa't isa na directly proportional sa mass ng 2 objects at inversely proportional sa square ng kanilang mga distansya at tinatawag itong gravity, malamang tinitigan k lng nila. Dhil pra sa kanila, hindi iyon ang katotohanan.

Kung ganun, wlang "facts" sa mundo. Opinyon lng. Ang iniisip ng tao sa kung ano ang inilalatag sa kanyang mga bagay bagay. Ang gustong paniwalaan ng tao.

Kya andaming disputes s mundo. Lhat kc naniniwala n kung ano ang paniniwala nila un ang tama. Na kung ano ang paniniwala nil aun ang katotohanan.

1 comment:

 I am Annie said...

grrr. ang lalim! hihi