2 Exams on a sunday. Wow.
Ok lang naman ang magka-exam. Kahit 2 na magkasunod. At majors mo pa. Pero sunday? O common. Ano nang nangyari sa sunday as the family day? Paano na ang holiness ng sabbath? At paano na ang mami-miss kong episode ng Gundam Seed Destiny sa herozone ng abs? Whaaa!
Kaya eto. Puspus sa pag aaral ng debits at credits, demand at supply, at kung paano kumpyutin ang GDP. Kaso naiisip ko lagi ang gundam seed destiny, kaya ngayon dinownload ko na lang mula sa net. Wahahahah!
========
Monday
Econ 100.1 lecture class kay Winnie Monsod. Kaso pasahan ng problem set, daming maingay medyo challenging kasi. Buti na lang nagawa ko n yung akin. Wahahaha! Dumating na si Monsod. Ingay pa din. Di cguro ma solve yung GDP deflator, di naman kasi nadiscuss yun eh. Buti binasa ko yung libro. Wahahaha!
Nagsimula nang magsalita si MOnsod. Ingay pa din. NAGALIT! Pinaupo yung mga nakatayo sa likod na nagdi-discuss yata. Pinasara yung 2 pintuan ng Audi. Mag implement na daw siya ng bagong rule, pag dating niya locked na yung 2 doors. Hala! Pano yan eh mas madalas na nauuna siya sa kin lalo na tuwing monday na ang hirap sumakay? Huhu!
Tuesday
Pan Pil 19 class. May reporting tungkol sa Pagsusulatan ng 2 binibining sina Urbana at Feliza, about conventions based dun. [*Quick Intro: Ung Urbana at Feliza tungkol siya sa conventions at rules at ugali na dapat sundin.] Yung reporter nasa likod ko, tapos tinatanong ako about dun sa conventions. Hindi yata nagbasa. Eh hindi din ako nagbasa. Wahahaha!
Nung nagreport na siya biglang tinanong ni maam yung mga passages kung san niya nakuha yung pinagsasabi niya. Patay. Nahalata ni maam na walang nagbasa kahit isa sa amin ng urbana at feliza. Dahil dyan meron kaming quiz tungkol sa Urbana at Feliza next meeting. Eh 100 pages na book pa naman yun.
Nagmeet kami ni Ayra tapos nagpasama ako sa main lib para hanapin si Urbana at Feliza. Kaso naka out na daw lahat. Naunahan na ako ng mga kaklase ko!
So punta naman sa Educ Lib para tignan kung meron. Kaso wala din! Kainis! Napagod lang ako! Ay kami pala!
Wednesday
Walang pasok sa CWTS! Yuhu! Pero pumunta pa rin ako ng UP para tignan kung may nagbalik ng Urbana at Feliza. Kso wala! Kaya nagpaxerox na lang ako ng solicitation letters. Hehe.
Thursday
Pagdating ko sa Econ Audi, naka locked na yung pinto. Annuu?!? Tinotoo nga ni Monsod ang sinabi nia! Kala ko naman joke tym lang!
Buti na lang may girl na nagmamadali at biglang nabuksan yung pinto. Hindi yata nasarado ng maayos. So madali kaming pumasok. Galit na naman si Monsod. Sa susunod daw dadalhin na na niya yung janitor para sure na mala-locked. Hehehe.
Friday
Quiz sa Urbana at Feliza. Buti na lang binasa ko kagabi, prinint ko na lang galing sa computer at pinagkasya sa 20 pages yung dapat na 100 pages pero ok lang. Kaya alam ko na na naging madre si Urbana at nagpakasal si Feliza. Nahirapan ako basahin kasi old tagalog, may halo pa yatang espanyol.
example ng passage sa urbana at feliza:
FELIZA: Tinangap co ang sulat mo nang malaquing toua, n~guni,t, nang
binabasa co na,i, napintasán quita,t, dinguin mo ang cadahilanan. Ang
una i, nabanguit mo si ama,t, si ina, ay di mo nasabi cun sila,i, may
saquit ó ualá; n~guni pinararaan co ang caculan~gan mong ito, at di
cataca-tacá sa edad mo na labing dalauang taon; ang icalaua,i, hindi
ang búhay co cun di ang búhay mo ang itinatanong co,i, ang isinagót
mo,i, ang pinagdaanan nang camusmusán ta, at madlang matataas na puri
sa aquin, na di mo sinabi na yao,i, utang co sa mabait na magulang
natin at sa Maestrang umaral sa aquin. N~guni, pag dating sa sabing
nagcucunót ang noó co, at sa man~ga casunód na talata, ay nan~giti ang
puso co, nagpuri,t, nagpasalamat sa Dios, at pinagcalooban ca nang
masunoring loob.
Grabe. Nosebleed sa kakatranslate sa utak. Pero ok naman. Nagustuhan ko na naman siya eh. Naging fun n din yung pagbasa. Wahaha! Kasi naman grabe yung instructions na nakalagay dun, mula sa kung paano ka magbehave sa simbahan hanggang sa paano suminga. Nakakatawa na.
Hay sige. Aral na ako ulit. Gudluck sa akin bukas.
Saturday, July 21, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment