grabe. nag-ra-rampage ang ulan ngaun.
============
ang saya saya makinig s malakas na ulan. [pag d ako nanunood ng tv, kc pag nanunood ako ng tv distraction n un] ewan, basta masaya lng. pag tumatama xa s bubong, tpos iingay. ang saya.
============
dati, nasisiyahan ako pag suspended. pag malakas na malakas ang ulan. perfect tym pra s mga mainit na pagkain. at champorado.
pero later on, na realize ko n guilty pleasure pla un.
===========
habang nasa bahay ako at nag-eenjoy, may mga taong stranded. meron ding biglang naliligo ng di sinasadya.
may mga nagdadasal na tumigil na ang ulan habang tinatangay na ang bubong nila, may nawawalan ng sakahan na sa loob ng ilang buwan ay pinuhunanan ng dugo't pawis. at mayroon ding nawawala n lng, at di na rin nakita.
===========
hindi ko alam kung ano ang may kasalan tuwing may mga trahedya. kung tao o kalikasan.
pinakamatalino sa lahat ng hayop ang tao, pero bakit ang tanga pa rin? o gahaman lng talaga?
bakit may mga tao na walang pakialam sa mundo kundi s sarili nila? walang paki kung kalbo na ang bundok, kung wala ng bahay ang mga animals.
hindi ko alam.
===========
dati pinagdadasal ko n umulan at suspended.
ngaun iba na pinagdadasal ko.
Sunday, July 23, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment