Minsan naasar ako, kasi kung kelan ako magsusulat o magtatype dun tumitigil ang magandang train of thought ko. Tulad ngayon.
Cguro kung pwede magkabit ng "thought recoreder" s ulo matagal ko nang ginawa. Para naman di nasasayang yung mga naiisip ko.
Alam ko na kung bakit lumalampas ng 3am bago ako makatulog. Yes insomniac nko. Ayon sa aking research na kailan ko lng ginawa, para makatulog ng maayos at mapayapa dapat:
- maging place of realaxation ang kama. dapat kama=tulog.
- wag manuod ng t.v. o magbasa mga 1 1/2 hr. bgo matulog. kahit na nakatitig lng s t.v. nag-sti-stimulate ng utak at mahihirapan ka ipa-relax ito.
- magkaroon ng routine bago matulog.
- dapat pareho ang oras mo ng pagtulog araw-araw, para maayos ang bio clock sa katawan mo.
Pero dahil pasaway ako, lahat yan taliwas sa pinaggagagawa ko ngaun. At kama ang favorite workplace ko, kung may gusto akong gawin sa kama ko ginagawa, magbasa, magsulat, magmuni-muni. At lahat ginagawa ko bgo matulog, pag patay na ang t.v. Pag patay na ang ilaw at nakahiga nko, biglang andami-dami kong naiisip, mula sarili ko hanggang s future ng pilipinas hanggang sa kalagayan ng earth.
Kaya ito ang result. Isang zombie. Sna mapagod ako s pasukan para maayos na to. Lumalaki na eyebags ko eh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment